Ulan
Plink'¦ Plink'¦ Plonk'¦
Plink'¦ Plink'¦ Plonk'¦
Pumapatak nanaman ang mga luha ni Inay.
Kasabay ng pagpanaw ng pagmamahal ni Itay.
Hindi ko man mawari
(Marahil dahil ako'y musmos pa kunwari.)
Kung ano ang dahilan,
Hindi makakailang ako'y naapektuhan.
Mas madagundong pa sa ingay ng mga busina,
Mas nakabibingi kay sa raket sa magulong kusina,
Mas kintatakutan kay sa pagputok ng bulkan,
Itong munting saklaw ng katahimikan.
Kunwari hindi apektado.
Kunwari kalagaya'y hindi delikado.
Ngunit sa patuloy na paglipas
Ng panahong kumakaripas
Tila isang bundok nang naglalakad
Malayo sa bulaklak na namumukadkad.
Marami ang nagtataka,
Hindi naman kasi kayo maboka.
Mula sa maayos na pagsasamahan
Biglang pumutok ang hidwaan.
Inay, Itay, makinig kayo.
Para kayong nawawala sa tamang hwisyo.
Hindi ko man lubusang maintindihan
(Paano? Kayo ang may tension sa ating tinitirhan?)
Kung hindi ako ang dahilan,
Sabihin ninyo upang dala ko'y mabawasan.
Want to comment on this Prose?
Sign up to Edit Red and you will be able to comment on Prose and get access to: Upload your own stories and poems, get readers and their feedback, promote your work...
|
 |
|